Thursday, May 25, 2006

wakadu...du.du.du...

Love near or far

Hindi na yata talaga kami makukumpleto…

…wag naman sana. :-(

Iba talaga pag kasama ko ang wakadu. Ang barkadang mula pa nang grade five ay kasa-kasama ko na. Ang tagal na rin pala non noh? Hindi ko akalain. Anim na taon na pala ang nakalilipas. Ang bilis kasi ng panahon eh.

Nalulungkot lang ako. Kung bakit ba kasi sa tuwing magkakasama kami e hindi kami makumple-kumpleto. Hmp! Pero nakakatuwa kung paano sinisikap ng bawat isa na makumpleto kami.

Kahapon, sa birthday ni Joshua, pamangkin ni Anna V., wala si Ryan. Ilang beses na nga syang kinontak ni Kate pero kung wala daw sa lola e nasa CR –ang tambayan ni Ryan. Pati si Karla Mae. Isinakripisyo pa nya ang load nya sa pagbabakasakaling makausap si Ryan. Pero…walang nangyari. :-( Buti na lang napapaligo ni Kate si Plinky at nakasama rin namin sya.

Nung birthday ni Karla Mae, 20 May 2006, wala si Kate at Mam Torio. Si Kate, nasa Baguio kasama ang kanyang pamilya. Wrong timing noh?! Kung bakit ba kasi May 20 ang birthday ni Karla Mae. Hehe. Si Mam Torio, hindi ko alam.

Nung fiesta kina Kate, 14 May 2006, wala si Anna V. Buti na lang at nakahabol ako kahit medyo pa-importante. Pero pansin ko, kahit magkakasama kami, kanya-kanya pa rin. Hindi ko naman masisi kasi iba na nga naman ang buhay-buhay namin.

Nung Mahal na Araw, prusisyon ni Kate, wala ako at si Mam Torio. Ako, nasa PYC. Hmp! Hindi ako sumunod kahit iniisip kong sumunod.


Haaay nakoo! Kelan nga kaya kami makukumpleto?

Kelan kaya uli may kainan?

Nagbabakasakali lang na makumpleto kami.

Yung tipong hindi lang physically present huh kundi fully present.

Mahirap?

Siguro nga. Pero kung gusto naman, may paraan da ba?!

Ilang araw na lang at aalis na ako.

Natatakot lang ako na baka bago ako umalis at magtungo sa bundok ko e wala akong baong isang tunay na masayang alaala mula sa wakadu. :-(

Iniisip ko ngang makasama sila sa paghahatid sa ‘kin eh.

Pero baka sa panaginip lang mangyari. Hindi rin naman ako nagsasalita.

Basta, wakadu forever. Mahal na mahal ko ang wakadu.

Makakita man ako ng iba, iba pa rin syempre pag wakadu.

Mahal ko kayo, yan ang totoo. :-)

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]